PatrolPH

2,000 OFW sumailalim sa coronavirus testing

ABS-CBN News

Posted at May 05 2020 11:16 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Umabot na sa 2,099 overseas Filipino workers ang sumailalim sa coronavirus testing ng Philippine Coast Guard.

Unang sinimulan ang testing noong Mayo 2 na naglalayong mabawasan ang mga OFWs na naka-quarantine sa mga barkong nakadaong sa Manila Bay at mga hotel sa Metro Manila.

Isinara ng Pilipinas nitong Linggo ang 9 nitong international airports sa mga inbound flights upang isailalim sa polymerase chain reaction (PCR) tests para sa coronavirus ang mga nakabalik nang OFW.

Ayon kay Coast Guard Commandant Admiral Joel Garcia, maaaring umuwi na sa kanilang pamilya sa loob ng 2 o 3 araw ang mga OFW na magnenegatibo sa testing.

Inaasahang lalabas agad ang resulta nito sa loob ng 48 oras. Tiniyak din ng Coast Guard na maihahatid ang mga OFWs sa kanilang mga pamilya sa tulong ng Department of Transportation.

Inamin naman ni Garcia na hindi libre ang pagsasailalim ng mga OFW sa PCR tests.

--Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.