Iba pang helicopters ng Air Force, susuriin

ABS-CBN News

Posted at May 05 2017 11:30 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Iniimbestigahan na ng Philippine Air Force (PAF) ang sanhi ng pagbagsak ng isa nitong helicopter sa Tanay, Rizal. Susuriin din muna ng Air Force ang kondisyon ng iba pa nilang UH-1D helicopters. 

Sa ngayon, mahigpit pa ring ipinagbabawal na galawin ang crash site habang hindi pa natatapos ang imbestigasyon ng Air Force.

Mananatili namang nakahalf-mast ang pambansang watawat sa mga lugar kung saan nagsilbi ang tatlong miyembro ng PAF na nasawi sa helicopter crash.

Samantala, inihatid na ng PAF sa mga naulilang pamilya ang labi ng mga nasawi na sina Captain Christian Paul Litan, Staff Sergeant Byron Tolosa, at Airman First Class Joseph De Leon.

Bago dalhin sa kanilang mga kaanak, ginawaran muna ng arrival honors ang kanilang mga labi sa Villamor Airbase.

--May ulat mula kina Jorge CariƱo at Mariz Laksamana, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.