PatrolPH

Suspek sa pananaksak sa Caloocan pinaghahanap

ABS-CBN News

Posted at May 04 2022 07:00 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Patuloy na pinaghahahanap ng mga awtoridad ang lalaking suspek na dawit sa pagpatay umano ng isang LGBT member sa Caloocan City.

Pebrero ngayong taon nang pagsasaksakin umano si alyas Rhomella, 20, ni alyas Willie Boy, 54.

Sa ilang text messages na nakuha sa cellphone ni Rhomella, masugid na nanliligaw ang suspek na agad namang binasted ng biktima.

Ayon kay Jane, isang gabi ay nagkaroon na nang komprontasyon ang kaniyang girlfriend at ang suspek na hindi matanggap na kaibigan lang ang turing sa kaniya.

"Na-obsessed ba. Tapos naghabulan daw po, tumakbo pa po siya sa may-ari ng inuupahang bahay. Noong time na magsusumbong, hinabol siya ng suspek tapos ’yung gate po sarado. Na-corner po siya, tapos doon siya pinagsasaksak," ani Jane.

Nasa 11 saksak ang natamo ng biktima sa iba ibang bahagi ng katawan.

Ang suspek ay mayroon na umanog warrant of arrest noong 2019 sa Cagayan dahil din sa pagpatay sa isang babae na kinahumalingan din umano niya.

Ang kinatatakot ngayon ni Jane ay maging siya ay nakatatanggap na ng death threat umano mula kay Willie Boy.

Umaasa siyang agad matutunnton ng mga awtoridad ang suspek upang hindi na ito makapambiktima pa ng ibang dalagang karaniwan niyang target na gawing kasintahan. – Ulat ni Reiniel Pawid, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.