PatrolPH

2 most wanted sa umano’y kasong rape timbog sa QC

ABS-CBN News

Posted at May 04 2022 06:37 AM | Updated as of May 04 2022 06:38 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Arestado sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa Quezon City ang dalawang lalaking tinaguriang most wanted dahil sa umano'y panggagahasa.

Nahuli ang isa sa kanila sa Barangay San Bartolome, Novaliches. Ang 25-anyos na suspek, na nakalista bilang "top 2 most wanted person", ay nahuli sa kaniyang tirahan.

Nahuli naman sa Project 6 ang isang most wanted din sa Marikina City.

Walang inirekomendang piyansa para sa mga suspek, dahil sa sangkot sila sa kasong rape at anti-child abuse law.

—Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.