Pamimigay na ayuda sa isang barangay sa QC, dinagsa

ABS-CBN News

Posted at May 04 2020 11:36 AM | Updated as of May 04 2020 08:21 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Maagang dinagsa ng mga residente ang pamimigay ng ayuda sa President Corazon Aquino Elementary School, Barangay Batasan Hills, Quezon City nitong Lunes.

Umabot hanggang dulo ng gate sa IBP Road ang pila ng mga residente na hindi alintana ang init ng sikat ng araw.

Mahigpit naman ang pagbabantay ng mga awtoridad sa pila kaya nasusunod ang physical distancing.

Ito na ang ikalawang beses na namahagi sa barangay ng ayuda. Tinatayang nasa 5,000 residente ang mabibigyan ng tulong pinansiyal ngayong araw.

--Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News