PatrolPH

PAGCOR official: Illegal online gambling lilitaw dahil sa pagpapatigil ng e-sabong

ABS-CBN News

Posted at May 03 2022 10:47 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Matapos ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil sa e-sabong, sinabi ng isang opisyal ng Philippine Amusement and Gaming Corporation na inaasahan nila ang pagsulpot ng mga ilegal na operasyon ng naturang sugal.

Dahil wala nang regulatory body na mangangasiwa, maaaring lumitaw ang iba't ibang mga laro o sugal na makikita online, ayon kay PAGCOR vice president Jose Joey Tria Jr.

Bunsod ng pagpapasara ng e-sabong, mawawalan ng P640 milyong kita mula sa e-sabong ngayong Mayo, ayon kay Tria.

Aniya, bukod sa e-sabong ay may ibang sources pa namang pinagkukunan ang PAGCOR. Posible umano na maipasok ang e-sabong sa susunod na administrasyon.—SRO, TeleRadyo, Abril 3, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.