PatrolPH

Opisyal umalma sa iniwang mga basura sa UniTeam grand rally sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2022 07:31 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA – Matapos ang UniTeam grand rally sa lungsod ng San Fernando, Pampanga nitong Biyernes, sumambulat ang kalat sa kalsada na ikinadismaya ng isang opisyal ng lungsod.

Sa isang Facebook post, nanawagan si San Fernando tourism officer Ching Pangilinan na irespeto at linisin ang sortie venue.

"Please respect our city as your host po. Please clean as you go po," ani Pangilinan.

"Home of the Giant Lanterns po kami, hindi giant trash can."

Sa mga larawan na ipinost ni Pangilinan, nagkalat sa kalsada at bukana ng mall na pinagdausan ng rally ang mga plastic water bottles, plastic cups, watawat at iba pang lalagyan ng pagkain.

Matindi ang kampanya ng San Fernando sa proper waste disposal. Mayroong higit 100 materials recovery facility ang lungsod kung saan 60,000 tons ng residual wastes ang naisasalba. – Ulat ni Reiniel Pawid, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.