PatrolPH

Water interruption pinalawig sa ilang lugar sa Metro Manila

ABS-CBN News

Posted at Apr 29 2022 06:35 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Extended muli ang water interruption sa ilang lungsod sa Metro Manila at kalapit na mga lugar.

Imbes na bumalik sa normal ang suplay ng tubig sa maraming mga customer sa katapusan ng buwan, magtatagal pa ito hangang May 16.

Ayon sa Maynilad, ang off-peak water interruption ay para maiwasan ang mabilis na drawdown ng tubig sa kanilang mga imbakan tuwing tanghali kung saan mataas ang demand nito.

Kabilang sa nga makakaranas ng water interruption ay ilang barangay sa Maynila, Parañaque, Pasay, Makati, Malabon, Navotas, Caloocan, Bulacan, at Quezon City.

Mararanasan ang pagkawala ng suplay ng tubig mula alas-10 ng gabi hangang alas-4 ng umaga.

>>>https://news.abs-cbn.com/classified-odd/04/25/22/japanese-school-may-p14-m-water-bill-dahil-iniwang-bukas-ang-tubig-sa-swimming-pool

Dahil ipatutupad naman ito sa patay na oras, para sa ibang residente hindi ito malaking aberya. Pero meron ring umaalmang dalawang linggo pa uli sila magtitiis.

Ayon naman sa Maynilad, nakahanda na ang kanilang nga mobile water tanker, para maghatid ng tubig sa mga apektadong lugar. – Ulat ni Anna Cerezo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.