Pagputol ng mga puno, inalmahan ng Boracay resort owners

ABS-CBN News

Posted at Apr 29 2018 07:55 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Umalma ang mga resort owner sa Boracay matapos magputol ng mga puno ang Department of Public Works and Highways kasabay ng paggiba ng ilang resort at hotel. Ikinalungkot din ng ilang empleyado sa isla ang pansamantalang paghihinto ng Department of Social Welfare and Development sa pamimigay ng transportation allowance sa kanila. Pinayagan namang mag-swimming sa Station 1 ang ilang banyaga at lokal na turista na naiwan pa sa isla. Nagpa-Patrol, Kevin Manalo. TV Patrol, Linggo, 29 Abril 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.