PatrolPH

Amang nanggahasa umano sa anak timbog sa San Mateo, Rizal

ABS-CBN News

Posted at Apr 28 2022 06:39 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Isang 45-anyos na lalaki na nanggahasa umano ng sariling anak ang inaresto sa bayan ng San Mateo, Rizal nitong Miyerkoles.

Ayon sa pulisya, Mayo 2021 noong inireklamo ng anak na lalaki ang suspek sa panghahalay umano sa 16-anyos niyang kapatid na babae sa kanilang bahay sa Digos City, Davao del Sur.

Sa impormasyon ng mga awtoridad, ang biktima ang nagsumbong sa ina nilang OFW sa Middle East.

Nang malaman ng suspek na nagsumbong na ang mga bata sa awtoridad, agad siyang tumakas at nagtago sa mga kamag-anak nito sa San Mateo.

Ayon sa mga awtoridad, nahuli ang "top 6 most wanted person" ng Calabarzon sa bisa ng arrest warrant.

Tinanggi ng suspek ang paratang sa kaniya.

Nahaharap sa kasong rape na walang nirerekomendang piyansa ang suspek.

Hinihintay naman ng CIDG Rizal ang commitment order mula Davao del Sur, at kapag matanggap nila ito ililipat sa piitan sa Digos City ang suspek. – Ulat ni Jeff Caparas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.