Anti-bullying hotline para sa frontliners, COVID-19 patients inilunsad sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Apr 28 2020 10:59 AM | Updated as of Apr 28 2020 11:19 AM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Naglunsad ng anti-discrimination hotline ang lokal na pamahalaan ng Pasay para sa mga frontliners at COVID-19 patients.

Sa programang "Na-bully ka na ba?" ng Pasay City government, maaaring tumawag sa mga sumusunod na numero ang mga health workers at sinumang nakaranas ng diskriminasyon​ ukol sa COVID-19:

0961-680-4984
0966-247-3608
0928-656-3958
0922-749-3800
0950-198-7703

Bukas ang hotline mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, ayon sa lokal na gobyerno.

--Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.