PatrolPH

Sidewalk vendors apektado sa pagtaas ng presyo ng asukal

ABS-CBN News

Posted at Apr 27 2022 09:39 AM

Watch more News on iWantTFC

Ilang linggo na problemado ang ilang sidewalk vendors dahil sa patuloy na pagmamahal ng mga pangunahing bilihin na ginagamit nilang sangkap sa kanilang paninda tulad ng asukal.

Isa dito si Ernesto Bado. Isa’t kalahating kilo ng asukal ang nagagamit ni Ernesto kada araw sa paghahanda niya ng arnibal para sa tindang taho

Kwento niya nasa P56 kada kilo ang nabibili niya ba asukal, malayo ito sa presyo nuong nakaraang taon.

Dahil dito nababawasan kita niya mga P200.

Bilang tanging bread winner ng kanyang 4 na anak, malaki ang epekto nito sa pang araw araw nila.

Hindi naman niya mabawasan ang sukat ng asukal dahil baka magkulang sa paninda at baka tumabang.

Ganon din ang problema ni Susan Javier at Rosalie na nagtitinda ng mga kakanin.

Karamihan raw ng kita kasi nila, nakaasa sa kanilang suki. Kung bawasan daw nila ang asukal kahit isang kutsara, magiiba ang lasa at baka kumonti rin ang suki.

ABS-CBN News, April 27, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.