PatrolPH

Higit P800,000 halaga ng umano’y shabu nasabat sa Metro Manila

ABS-CBN News

Posted at Apr 27 2022 06:59 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Apat na drug suspect ang inaresto matapos mahulihan ng mahigit P800,000 halaga ng hinihinalang shabu sa tatlong magkakahiwalay na buy-bust sa Metro Manila.

Sa Caloocan City inaresto ang isang 48-anyos na lalaki matapos makuhanan ng 50 gramo ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa kaniyang bahay mismo sa Barangay 188 sa Tala.

Sa Muntinlupa City, dalawang suspek ang inaresto at kumpiskado ang abot sa P340,000 halaga ng ilegal na droga.

Nabulabog naman ang isang bahay sa Barangay North Signal sa Taguig City Martes ng madaling-araw nang arestuhin ang isang 53-anyos na lalaki.

Nasa 23 pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 23.2 gramo at nagkakahalaga higit P150,000 ang nasabat sa kaniya. – Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.