Trak bumangga sa poste sa Quiapo; 2 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Apr 27 2018 08:41 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Dalawa ang sugatan matapos mabangga ng isang 18-wheeler trak ang isang poste sa Arlegui, Maynila Huwebes ng gabi.

Nawalan umano ng kontrol sa trak ang drayber nito at bumangga ito sa poste. Nasagasaan ang isang lalaking tumatawid noon.

Halos maligo na sa sarili niyang dugo ang pedestrian na agad namang nirespondehan ng emergency teams.

Sugatan din ang drayber na kinilalang si Antonio Asebron.

Ayon sa mga nakakita, hindi naman mabilis ang takbo ng trak.

Sa sobrang lakas ng tama, nawasak din ang ilaw sa poste at nagkalat sa daan ang debris, kabilang na ang nagkabasag-basag na windshield.

Ayon sa mga opisyal ng barangay, dati na ring may mga aksidente sa lugar na iyon dahil sa "blind curve" na hindi nababantayan ng tanod. - ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News