DFA, naghain ng protesta sa pagpapaalis kay Villa

ABS-CBN News

Posted at Apr 27 2018 02:09 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Posibleng maapektuhan ang pirmahan ng memorandum of understanding sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait para sa kapakanan ng mga OFW. 

Ito'y matapos ianunsiyo ng Kuwait ang pagpapauwi kay Philippine Ambassador Renato Villa. 

Kanina, naghain na ng protesta ang Department of Foreign Affairs kaugnay ng pagpapaalis kay Villa. Nangangamba naman ang ilang grupo sa magiging epekto nito sa kapakanan ng mga OFW sa Kuwait. 

Umaasa naman ang Malacañang na maayos pa ang gusot sa pagitan ng 2 bansa. I-Bandila mo, Vivienne Gulla. - Bandila, Huwebes, 26 Abril, 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.