PatrolPH

Ninakaw na motorsiklo ibinenta sa social media; mga suspek tiklo

Jeff Caparas, ABS-CBN News

Posted at Apr 25 2022 10:22 AM

Watch more News on iWantTFC

Laking pasalamat ng isang delivery rider matapos marekober ng pulisya ang kanyang nawawalang motorsiklo matapos makitang ibinebenta ito online.

Matapos niyang i-report sa QCPD Station 2 ang pangyayari, nakita niyang ibinebenta sa online ang kinarnap niyang motorsiklo.

Agad na nagkasa ng hot pursuit operation ang otoridad kung saan 4 na suspek ang nahuli. 

Paglabag sa anti-carnapping law at anti-fencing law ang mga kasong kakaharapin ng mga suspek. 


ABS-CBN News, April 25, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.