COVID-19 bayanihan: Libreng pagkain hatid sa mga delivery rider sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Apr 23 2020 11:57 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Namimigay ng libreng pagkain sa delivery riders at iba pang frontliners ang isang grupo ng magkakaibigan sa Makati City.

Ayon kay Aezel Kristine Argota, ang nakaisip ng proyekto ay ang kaniyang asawa na isa ring rider.

Noong una ay sila ang umiikot sa lungsod para mamahagi ng ayuda ngunit naghigpit umano ang lokal na gobyerno.

"Nagpost po y'ung asawa ko sa grupo ng mga riders na kung magagawi po sila dito sa Makati, pwede sila magstop-over dito sa Bangcal. Pag may dumadaan po na riders, pinapara ng mga kaibigan ko tapos binibigyan po nila," aniya.

Dagdag ni Argota, layunin nilang magbigay ng libreng pagkain tuwing 2 hanggang 3 araw. Susunod nilang bibigyan ng ayuda ang mga garbage collectors at mga sanggol.

Tumatanggap ng donasyon na gatas, diaper, canned goods, bigas, face mask, gloves sina Argota para sa kanilang susunod na proyekto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.