Naka-wheelchair na dialysis patient, 6 kilometro tinutulak ng asawa papuntang pagamutan

ABS-CBN News

Posted at Apr 22 2020 08:47 AM | Updated as of Apr 22 2020 11:39 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Mano-manong tinutulak ng kaniyang asawa ang dialysis patient na si Loida Fernandez sa isang hiniram na wheelchair mula Batasan Hills para sa kaniyang pagpapagamot sa Fairview.

Tatlong beses kada linggo nila itong ginagawa at may layo itong 6 kilometro mula sa kanilang bahay.

"Mula sa amin hanggang doon. Dun sa Batasan hanggang dun sa Fairview, sa dialysis center. Kailan pa to hiniram nga lang namin to," ani Fernandez ukol sa kanilang paglalakbay gamit ang hiniram na wheelchair.

Nilapit ng ABS-CBN News ang dalawa sa barangay officials na nangakong tutulungan nila ang mag-asawa.

Hinikayat ng mga awtoridad ang publiko na lumapit sa kanila upang matulungang ihatid sa kani-kanliang ospital sa Metro Manila.

--Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.