Mamimili dagsa sa Trabajo Market bago ang 'hard lockdown' sa Sampaloc

ABS-CBN News

Posted at Apr 22 2020 08:38 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nagdagsaan ang tao sa Trabajo Market ngayong Miyerkoles bago ipatupad ang hard lockdown sa Sampaloc, Maynila.

Sa kabila ng dami ng mga mamimili, maayos pa rin naman ang sitwasyon sa naturang palengke.

Nagpapatupad pa rin ang mga shop ng physical distancing sa pila ng mga tao.

Inaasahang magsisimula ang hard lockdown sa naturang lugar bukas ng alas-8 ng gabi.

Aabot sa 48 na oras o dalawang araw ang hard lockdown sa lugar na may halos 200 na barangay.

Handa na rin ang Sampaloc Police sa mga hakbang na gagawin nila.

Isa na rito ang paglalagay ng mga control points sa boundary ng Sampaloc at pagroronda ng mga pulis.

--Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.