PatrolPH

Isa sa mga most wanted umano sa Muntinlupa timbog sa Leyte

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2022 06:29 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Tiklo ang isang construction worker na itinuturing na ika-9 na most wanted sa Muntinlupa City, sa isang operasyon sa bayan ng Santa Fe, Leyte.

Ayon sa PNP, ang suspek ay may kasong rape noong 2021, pero nasakote lamang siya ng mga pulis alas-7 ng umaga nitong Miyerkoles sa Barangay Milagrosa.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Santa Fe Municipal Police Station ang suspek habang hinihintay ang commitment order ng korte para sa paglipat niya ng kulungan.

Walang umanog nirekomendang piyansa ang korte para sa akusado. – Ulat ni Anna Cerezo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.