Mga mangingisda sa Masinloc, normal na nakakapaghanap-buhay sa ngayon

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2021 09:50 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA—Sa kabila pa rin ng pananatili ng ilang Chinese vessels sa West Philippine Sea, wala namang nakikita o nararanasang problema ang mga mangingisda sa bayan ng Masinloc sa Zambales.

“So far this time po ang bayan ng Masinloc, ang mga mangingisda ay naghahanap-buhay nang maayos,” pahayag ni Mayor Arsenia Lim.

Sinabi sa TeleRadyo ni Lim, na normal ang pangingisda nila at wala namang nararanasang anumang problema sa ngayon.

Pero ayon kay Lim, ibang usapan na kapag may mang-harass sa kanilang mangingisda dahil hindi umano siya papayag na maagrabiyado ang mga ito.

“Wala naman this time. Kasi kung meron po, katulad noong una na, sinumbong ko naman agad sa Malacanang yun. Hindi po tayo papayag na maagrabiyado ang mga maliliit nating kababayan,” sabi niya.

—TeleRadyo 21 Abril 2021

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.