Barbero patay matapos gulpihin ng mag-ama sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2021 11:37 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Patay ang isang barbero matapos bugbugin ng mag-ama sa Barangay 181, North Caloocan.

Natutulog lamang ang biktima, ayon sa kaniyang kapatid, nang biglang puntahan ng mga suspek na sina alyas Jon, 54, at anak nitong si alyas Benny, 22.

Nagkasigawan umano ang mga suspek at biktima na nauwi sa pambubugbog.

Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang biktima na kaniyang ikinamatay.

Ayon sa suspek na si Jon, matagal na nilang nakakaaway ang biktima dahil inaabangan at pinagbabantaan umano ang kaniyang anak.

Giit ng pamilya ng biktima na walang kaaway o inaaway ang kanilang kapatid at desidido silang magsampa ng kasong murder sa mga suspek.

--Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.