Agila, pangolin nasagip sa Cotabato, Palawan

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2020 11:03 AM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Nasagip ang isang Pinsker's hawk-eagle sa bayan ng Tulunan, Cotabato at isang pangolin sa Puerto Princesa City, Palawan noong nakaraang linggo.

Walang sugat ngunit mahina ang agila na na-rescue noong Biyernes kaya tinututukang mabuti ang kalagayan nito bago pakawalan, ayon sa City Environment & Natural Resources Office-Matalam.

Sa Palawan, nasagip ang isang pangolin matapos makapasok sa bakuran ng isang residente noong Sabado.

Posible umanong nabulabog ito dahil nagka-grassfire sa lugar, ayon sa Palawan Council for Sustainable Development. Agad naman itong binalik sa kagubatan.

--DZMM, Abril 21, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.