Home > News Umano’y ilegal na pasugalan sa QC pinasara ng PCSO ABS-CBN News Posted at Apr 20 2022 06:36 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA – Isang umano'y ilegal na pasugalan sa Quezon City ang ipinasara ng Philippine Charity Sweepstakes Office nitong Martes. Mismong si QCPD director Police Brig. Gen. Remus Medina ang naghatid ng cease and desist order sa Peryahan ng Bayan sa Timog Ave. Pagtalima ito sa direktiba ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos na ipasara at arestuhin ang sinumang sangkot sa mga reklamo umano na natatanggap ng PNP mula sa PCSO. Nang hinain ang CDO, nagreklamo ang tauhan ng naturang pasugalan sa umano'y pangha-harass ng mga awtoridad. Pero giit ng pulisya, sumusunod lang sila sa utos. ALAMIN: Bakit madaling malulong sa mga sugal gaya ng e-sabong? Dagdag ng pulisya, walang authority na mag-operate ang pasugalan. – Ulat ni Jeff Caparas, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news, PCSO, Quezon City, illegal gambling Read More: Quezon City Philippine Charity Sweepstakes Office PCSO PNP sugal