PatrolPH

Dating mayor patay matapos manlaban umano sa Lanao del Sur

ABS-CBN News

Posted at Apr 20 2022 06:34 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Patay ang isang barangay chairman na dating alkalde matapos manlaban umano sa mga awtoridad sa bayan ng Wao, Lanao Del Sur.

Ayon sa mga awtoridad nitong Martes, naghain ng arrest warrant ang NBI laban kay William Comayog sa Pilitangan, dahil sa paglabag umano niya ng Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act. 

Nang pasukin ang tirahan ng suspek, pinaputukan umano ang mga awtoridad gamit ang isang M79 grenade launcher at M-16 rifle. 

Gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ni Comayog. Agad ding isinugod sa ospital ang isa sa mga operatiba na nasugatan sa engkwentro.

Narekober sa tirahan ng suspek ang iba-ibang klaseng mga high-powered firearm at ammunition.

Ayon kay NBI OIC-director Eric Distor, chairman ng Barangay Inudaran Tagoloan II at dating alkalde ng bayan ng Tagaloan ang suspek.

Si Comayog ang sinasabing lider ng Gandawali group na nasa likod umano ng nangyaring pananambang sa pitong mga PDEA-BARMM agent noong October 2018. – Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.