Home > News Mga kaso ng dengue sa Zamboanga City, patuloy na tumataas ABS-CBN News Posted at Apr 19 2022 12:52 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MANILA – Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng dengue sa lungsod ng Zamboanga, ayon sa health officer nito ngayong Martes. “Last week kasi, we have recorded sa isang week na 155 cases. So since last week, meron tayong additional na 96… So our total case now is 1,135, from our previous. Yung nakapanayam ko po kayo, that’s 1,039,” ani Dr. Dulce Amor Miravite. Matatandaang nagdeklara ng ng dengue outbreak ang lungsod nitong nakaraang linggo matapos sumipa ang bilang ng mga kaso ng dengue sa lugar. Zamboanga City declares dengue outbreak Ayon pa kay Miravite, umakyat na sa 14 ang bilang ng mga namatay sa dengue sa kanilang lugar. 13 nasawi dahil sa dengue sa Zamboanga City ngayong taon Sabi ng doktor, patuloy ang kanilang pagsasagawa ng 4S para malabanan ang pagkalat ng dengue: Search and destroy mosquito-breeding sites Self-protection measures Seek early consultation of symptoms Support spraying/fogging to prevent further outbreaks Aniya, araw-araw na rin nilang ginagawa ang search-and-destroy dahil na rin sa araw-araw na pag-ulan sa lalawigan. --TeleRadyo, 19 April 2022 Dengue cases, deaths up in some areas due to frequent rains: DOH Share Facebook Twitter LinkedIn Viber regions, regional news Read More: dengue dengue outbreak zamboanga dengue cases DOH department of health Zamboanga City Zamboanga dengue regional news regions.