Rescue sa Nueva Ecija bus crash, tigil dahil sa dilim, dulas

ABS-CBN News

Posted at Apr 18 2017 10:14 PM | Updated as of Nov 17 2017 12:28 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Higit 26 ang kumpirmadong namatay subalit pabago-bago ito dahil marami ang dinala sa mga ospital sa Bayombong, Aritao, at Bambang sa Nueva Vizcaya, at sa San Jose at Cabanatuan sa Nueva Ecija. Itinigil na ang rescue operation sa Carranglan, Nueva Ecija kaninang bandang alas-kuwatro ng hapon. Bukod sa madilim at masukal ang pinagbagsakan ng bus, matarik ang bundok. Naging madulas pa ang lupa nang umulan, kaya lalo ring nahirapang sagipin ang mga pasahero. Nagpa-Patrol, Jeff Canoy. TV Patrol, Martes, 18 Abril 2017

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.