Mga mamimili sa Divisoria, dagsa pa rin sa kabila ng lockdown

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2020 07:56 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Dagsa pa rin ang mga mamimili sa Divisoria market para bumili ng kanilang mga pangangailangan ngayong Biyernes sa kabila ng Luzon lockdown.

Ang karamihan sa kanila ay patapos na sa pamamalengke dahil dapat ay hanggang alas-7 lamang sila ng umaga pwede sa lugar.

Dahil sa dami ng tao, may mga pagkakataon ding mistulang nababalewala ang physical distancing ng publiko.

May mga tauhan naman ng barangay at mga pulis na nakabantay sa lugar para sa seguridad.

Kapansin-pansin pa rin ang dami ng basura na naiiwan sa mismong kalsada.

Nasa lugar na rin ang mga dumptruck ng basura para humakot sa mga naiiwang kalat.

-- Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.