COVID-19 bayanihan: PNP nakalikom ng P90-milyon donasyon

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2020 11:17 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nakalikom na ang Philippine National Police ng P90.3 milyon na halaga ng pledges at donasyon para makatulong sa mga programa ng pamahalaan laban sa COVID-19 pandemic, sinabi ng hepe ng organisasyon, Biyernes. 

Kasama sa naturang halaga ang kalahati ng suweldo para sa Mayo na ipinangako ng command group, directorial staff, regional offices, national support units at star-ranked officers ng pulisya, sabi ni PNP Chief Gen. Archie Gamboa. 

Ipinagbabawal naman aniya na mag-automatic deduction sa sweldo ng iba pang miyembro ng PNP para makalikom ng karagdagang donasyon. 

Target ng PNP na makakolekta ng P200 milyon para sa pagsawata ng COVID-19. 

DZMM, Abril 17, 2020 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.