PatrolPH

Mga walk-in di na pinapayagan sa Pasong Tamo Elementary School vaccination site

ABS-CBN News

Posted at Apr 16 2021 09:09 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Maagang pumila ang ilang residente ng Barangay Pasong Tamo sa Quezon City para magpabakuna kontra COVID-19, Biyernes ng umaga.

Nakatakdang bakunahan ngayon ang mga nasa A1 hanggang A3 kategorya o mga frontliners, senior citizens o may comorbidities. 

Pero may ilang nagbaka-sakaling pumila sa Pasong Tamo Elementary School, kahit hindi pasok sa kategorya dahil noong mga araw ay pumapayag umano ang mga opisyal na magbigay ng slots sa mga walk-in.

Nasa 800 ang naka-schedule Biyernes sa naturang eskuwelehan mula sa mga barangay ng Tandang Sora, Culiat at Sauyo.

Dumating din sa vaccination site si Mayor Joy Belmonte para inspeksiyunin ang proseso ng pagbabakuna.

Inanunsiyo ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na puno na booking schedule sa pagbabakuna hanggang Abril 17, Sabado, sa lahat ng mga vaccination site. — TeleRadyo 16 Abril 2021

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.