PatrolPH

Mga mamimili dagsa sa Blumentritt; pag-iingat sa COVID-19 hinigpitan

ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2020 07:40 AM | Updated as of Apr 15 2020 07:52 AM

Watch more on iWantTFC

Hinigpitan ng mga awtoridad ang mga pag-iingat kontra sa pagkalat ng COVID-19 kasabay ng pagdagsa ng mga mamimili sa Blumentritt, Maynila sa kabila ng lockdown ng buong Luzon para pigilin ang naturang pandemic. 

Ipinagbawal na magpunta sa palengke ang mga senior citizens gayundin ang mga walang quarantine pass at face mask. 

Ipinatutupad din ang sumusunod na iskedyul na mabawasan ang mga namimili sa Blumentritt: 

  • alas-5 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali: mga residente lamang ng Maynila ang maaaring magpunta sa palengke; 
  • alas-12 ng tanghali hanggang alas-4 ng hapon: mga hindi residente ng Maynila; at 
  • alas-4 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi: wholesale buyers. 

Naka-lockdown ang Metro Manila at buong Luzon, na may nasa 50 milyong residente, hanggang Abril 30. 

Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.