Makati City mamimigay ng P500 grocery vouchers sa mga residente

ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2020 10:45 AM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Mamimigay ang Makati City government ng P50 milyong halaga ng grocery voucher o P500 kada residente bilang tulong sa pinalawig na Luzon lockdown.

Ayon kay Mayor Abby Binay, bibigyan ang lahat ng residente, kabilang ang middle class.

Una nang namahagi ng cash aid at food packs sa mga 7,800 residenteng bahagi ng informal sector. 

Namigay din ang lokal na pamahalaan ng 8,000 food packs sa mga mag-aaral ng mga pampublikong paaralan para mapanatili ang kanilang kalusugan.

Mayroong 177 kaso ng COVID-19 ang lungsod, ayon sa tala nitong Martes.

--Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News