140 bus idineploy sa pagsasara ng MRT para sa Semana Santa

ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2019 07:11 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nagpakalat ng nasa 140 bus ang mga awtoridad ngayong Lunes para sa pansamantalang maintenance shutdown ng MRT-3 sa Semana Santa. 

May drop-off at pick-up points ang mga bus mula sa North Avenue hanggang Taft Avenue, at magsasakay ang mga ito mula 5 a.m. hanggang 9 p.m. 

Kapareho rin ng pamasahe sa MRT-3 ang babayaran, mula P13 hanggang P28. 

Bibiyahe ang mga point-to-point bus mula Lunes hanggang Miyerkoles Santo, gayundin sa Black Saturday hanggang Linggo ng Pagkabuhay. 

Muling bubuksan sa publiko ang MRT-3 sa April 22, pagkatapos ng Semana Santa. 

DZMM, 15 Abril 2019