PatrolPH

Pinagbabawal na luncheon meat mula China nakumpiska sa Tondo

ABS-CBN News

Posted at Apr 14 2020 10:20 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Nakumpiska ang higit 600 piraso ng delatang luncheon meat mula China sa Tondo, Maynila nitong Lunes.

Sinalakay ng Manila Veterinary Inspection Board ang isang mini grocery sa Masinop Street matapos magpositibong nagtitinda ng processed pork meat na gawa sa China, isa sa mga bansang may African swine fever.

Mahaharap ang may-ari sa paglabag sa Food Safety Act at memorandum order ng Food and Drug Administration na pansamantalang pagitigil ng pag-angkat ng processed meat mula sa mga bansang may ASF, Avian influenza, at foot and mouth disease.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.