PatrolPH

Mga pribadong sasakyan naglipana sa EDSA sa kabila ng lockdown: MMDA

ABS-CBN News

Posted at Apr 14 2020 10:53 AM | Updated as of Apr 14 2020 03:38 PM

Watch more on iWantTFC

Dumami ang mga pribadong sasakyan na nakaparada at bumibyahe sa EDSA sa kabila ng lockdown ng buong Luzon para mapigil ang pagkalat ng COVID-19, puna ng Metropolitan Manila Development Authority, Martes. 

Nagdagdag ng mga tauhan ang ahensya sa bandang Cubao, Quezon City para sitahin ang mga sasakyang nakaparada sa kalsada, maging sa mga emergency bays, ani MMDA Special Traffic and Transport Zone chief Bong Nebrija. 

Sisitahin din aniya ng traffic enforcers ang mga pumapasadang tricycle at mga motorsiklong may 2 o higit na sakay, na ipinagbabawal sa ilalim ng lockdown na tatagal hanggang Abril 30. 

Nananawagan din si Nebrija sa mga lokal na pamahalaan na paigtingin ang pagbabantay sa mga checkpoint upang mabawasan ang mga bumibiyaheng sasakyan. 

Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.