Home > News Pabasa muling pinahintulutan sa Plaza Miranda Anna Cerezo, ABS-CBN News Posted at Apr 12 2022 08:10 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Muling binuksan ng Quiapo Church ang Pabasa ng Pasyong Mahal sa publiko matapos ang 2 taon na sa screen lang naipagdiwang dahil sa banta ng COVID-19. Nagsimula ang Pabasa bandang alas tres ng hapon kahapon at magtatagal ito hangang Miyerkules. Ginaganap ito sa may Plaza Miranda. Ayon sa isa sa head organizers nito, nagluwag man sila ng restrictions ngayong Semana Santa, hindi pa rin nila kinakalimutan na nasa ginta pa rin ng pandemya ang bansa. Kaninang hatinggabi napuno ang mga nakalaan na upuan para sa Pabasa ng mga deboto. Ayon sa mga deboto talagang lubos na ikinatuwa nila ang pagbalik ng taunang tradisyon. Iba pa rin raw kasi ang pakiramdam ng pisikal na pagdiwang nito kumpara sa online lamang. ABS-CBN News, April 12, 2022 Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Tagalog news, TeleRadyo Read More: quiapo church pabasa pahawak plaza miranda Holy Week coronavirus