PatrolPH

Mga biyahe sa Manila North Port kanselado dahil sa Bagyong Agaton

Reiniel Pawid, ABS-CBN News

Posted at Apr 12 2022 06:48 AM

Watch more on iWantTFC

Malinis ang Manila North Port ngayong Martes Santo, apektado kasi ng bagyong Agaton ang ilang biyahe ngayong araw. 

Sa inilabas na advisory ng Philippine Ports Authority kanselado na rin kasi ang ilang biyahe sa mga pantalan na apektado ng bagyo. 

Kabilang na riyan ang mga sumusunod:

PMO BICOL

  • Port of Matnog

PMO BOHOL

  • Port of Getafe
  • Port of Talibon
  • Port of Ubay
  • Port of Tapal

PMO EASTERN LEYTE/SAMAR

  • Baseport Tacloban
  • Port of Calbayog
  • Port of San Isidro
  • Port of Catbalogan
  • Port of Borongan
  • Port of Liloan
  • Port Guiuan

PMO WESTERN LEYTE/BILIRAN

  • Baseport Ormoc
  • Port of Naval/Maripipi
  • Port of Palompon/San Isidro (Leyte)
  • Port of Isabel
  • Port of Baybay
  • Port of Hilongos
  • Port of Maasin/Guadalupe/Limasawa

PMO NEGROS OCCIDENTAL/BACOLOD/BANAGO

  • Port of San Carlos
  • Port of Danao

PMO MASBATE

  • Port of Mintac
  • Port of Cawayan
  • Port of Aroroy
  • Port of San Pascual
  • Port of Claveria

PMO PANAY/GUIMARAS

  • Port of Alegria

PMO SURIGAO

  • Baseport Surigao
  • Port of Lipata
  • Port of Dinagat
  • Port of Dapa
  • Port of San Jose


Ayon sa PPA, balik na sa pre-pandemic ang passenger volume sa Manila North Port na aabot sa 1,000-1,100 na pasahero kada araw.

100% capacity na rin umano ang mga barko kung kaya’t patuloy ang kanilang pagpapaalala sa pagtalima pa rin sa itinakdang health at safety protocols.

Bukas ay may schedule na muli ng biyahe patungong Cagayan at Cebu. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.