Van tumagilid sa SLEX, sasakyan padami sa NLEX

ABS-CBN News

Posted at Apr 12 2017 11:58 PM | Updated as of Nov 09 2017 11:11 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Tumagilid ang closed van na may dalang mga lata ng sardinas sa gitna ng South Luzon Expressway sa San Pedro. Dahil sa bigat ng van, hindi ito agad naialis kaya mabilis na naipon ang mga sasakyan. Walang nasaktan at ibang nadamay, pero nasira ang aspalto at tumagas ang langis, kaya kinailangan pa munang bombahan ng tubig ang daan bago pa muling buksan sa trapiko nang masiguro ang kaligtasan ng mga motorista. Sa North Luzon Expressway naman, kapansin-pansin na ang pagdami ng bilang ng mga motorista ngayong Miyerkoles Santo. Nagpa-Patrol, Raphael Bosano. TV Patrol, Miyerkoles, 12 Abril 2017

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.