Van tumagilid sa NLEX, mga sasakyan tumirik sa SLEX

ABS-CBN News

Posted at Apr 11 2017 11:18 PM | Updated as of Nov 07 2017 11:30 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Kabi-kabila ang naitalang pagkaantala sa mga expressway, tulad ng nangyaring aksidente sa North Luzon Expressway at South Luzon Expressway kaninang umaga. 
Sa NLEX, bahagyang bumagal ang daloy ng mga sasakyan sa Bocaue matapos tumagilid ang isang closed van kaninang umaga; samantalang mga tumirik na sasakyan naman ang dahilan ng pagbigat ng trapiko sa SLEX. 
Ayon sa pamunuan ng SLEX, kawalan ng disipilina ang madalas na dahilan kung bakit naaantala ang biyahe ng mga motorista sa expressway. Nagpa-Patrol, Raphael Bosano. TV Patrol, Martes, 11 Abril 2017 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.