Pila sa NAIA, umuusad na

ABS-CBN News

Posted at Apr 12 2017 12:01 AM | Updated as of Nov 07 2017 11:53 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Mas maayos at umuusad na ang mga pila sa check-in at immigration counters sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, dahil na rin sa dagdag na personnel ng Manila International Airport Authority. 
Dalawa hanggang tatlong minuto ang inaabot kada pasahero pagdating sa check-in counter. 
Sa immigration counter naman, nasa maximum ng 45 seconds. Nababatay naman sa schedule ng flight ang pila sa immigration. Ang peak hours sa Terminal 3 ay madaling araw, tanghali naman sa Terminal 2, at bandang alas-4 naman sa Terminal 1 dahil sa dami ng Middle East flights. Kumpara rin sa nakaraang taon, mas maayos na raw ang airport ngayon dahil nagkaroon na ng mga mauupuan at may mga bagong bukas na establisyimento. Tadtad na rin ng help desks ang lugar. Nagpa-Patrol, Jacque Manabat. TV Patrol, Martes, 11 Abril 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.