Multa sa isnaberong taxi driver, aabot na sa P15k

ABS-CBN News

Posted at Apr 11 2017 09:14 AM | Updated as of Nov 02 2017 10:40 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Tututukan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga isnaberong taxi driver o ‘yung mga drayber na hindi magsasakay ng pasahero ngayong Semana Santa.

Babantayan din ang mga tsuper na ‘choosy’ o ‘yung mga namimili ng pasahero at ‘yung mga suplado at nagdidikta ng gusto nila sa pasahero.

Ayon sa LTFRB, maglalabas sila ng memorandum circular na suspendihin ang lisensya ng mahuhuling isnabero dahil maliit lang ang multa na P5,000 at kadalasan ay operator pa ang nagbabayad.

Itataas ng LTFRB ang multa sa P15,000, ma-iimpound ang sasakyan at posibleng makansela ang certificate of public conveyance ng sinumang mahuhuli. -Umagang Kay Ganda, Abril 11, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.