23 Pinoy sa Saudi death row, susubukang isalba ni Digong

ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2017 10:52 PM | Updated as of Oct 26 2017 12:21 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Hihilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagbisita sa hari ng Saudi Arabia na palayain ang ilang Pinoy na nasa death row. Ayon sa embahada, isa sa mga itutulak ng pangulo ay ang mabigyan ng pardon ang 23 Pilipinong nakapila ngayon sa death row sa buong Saudi Arabia. Susubukan din ng pangulo na banggitin sa hari ang tungkol sa nasa 700 Pilipinong nakakulong sa Saudi. Nagbabala naman ang embahada sa Riyadh sa mga Pilipinong nagbabalak pang pumunta ng Saudi. Nagpa-Patrol, Ron Gagalac. TV Patrol, Lunes, 10 Abril 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.