Robredo, tinawag na 'political distraction' ang VP vote recount

ABS-CBN News

Posted at Apr 09 2018 11:35 PM | Updated as of Jan 24 2019 10:57 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Tinawag ni Vice President Leni Robredo na pansamantalang "political distraction" ang muling pagbibilang ng mga boto sa pagka-bise presidente kaugnay ng isinampang election protest ni dating Sen. Bongbong Marcos. Sa kaniyang talumpati sa London School of Economics, tinukoy ni Robredo ang malaking kakulangan ng quality education at health care sa mga malalayong barangay bilang ugat ng kahirapan. Nagpa-Patrol, Danny Buenafe. TV Patrol, Lunes, 9 Abril 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.