Publiko, pinag-iingat sa 'tawak' kontra rabies

ABS-CBN News

Posted at Apr 09 2018 11:15 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nagbabala si Health Secretary Francisco Duque III laban sa mga alternatibong paraan ng pagtanggal umano ng rabies sa katawan. Mas mainam pa rin aniyang magpatangingin sa mga treatment center. Ayon pa sa Health department, maaaring bumili ng bakuna kontra rabies sa local suppliers basta tiyaking aprubado ito ng Food and Drug Administration (FDA). Ito ay sa gitna ng global shortage sa naturang bakuna. Nagpa-Patrol, Kori Quintos. TV Patrol, Lunes, 9 Abril 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.