PatrolPH

6 pulis-Caloocan, itinangging ninakawan ang street vendor

ABS-CBN News

Posted at Apr 08 2022 09:52 PM | Updated as of Apr 08 2022 10:59 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Anim na pulis ang nilagay sa restrictive custody matapos umanong manakit at nakawan ang isang street vendor sa Caloocan City.

Ayon kay Pol. Col. Samuel Mina, hepe ng Caloocan City Police, inamin na ng mga suspek na nagkaroon sila ng pagkakamali pero itinanggi nila na ninakawan nila ang biktima.

Determinado ang mga pulis na wala silang kinuhang pera, at ang inaamin lang nila ay nasaktan nila ang biktima dahil resisting sa kanilang operasyon.

Ayon kay Mina, dapat iakyat ng complainant ang kaso laban sa mga suspek upang tumakbo ang administrative case na sinampa naman ng PNP sa mga pulis.—Pasada sa TeleRadyo, TeleRadyo, Abril 8, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.