Home > News 2 lalaki tiklo sa paglabag umano ng election code sa Caloocan ABS-CBN News Posted at Apr 08 2022 07:23 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA – Dalawang lalaki ang inaresto matapos mamigay ng bigas sa gitna ng campaign period sa Caloocan City nitong Huwebes. Ayon kay Bagong Barrio Caloocan Police sub station commander Police Lt. Julius Villafuerte, nagsumbong sa kanila ang isang concerned citizen dahil mayroon umanong nagaganap na pagtitipon ng napakaraming tao sa Barangay 133. "May nakita kaming violation sa local IATF namin. Lumapit sa amin 'yung dalawa. Tinanong ko sila kung may permit, wala naman sila mapakita. Allegedly nagpaalam sila sa kapitan. Tinanong ko si kap, wala naman coordination," ani Villafuerte. Inimbitahan sa istasyon ng pulis ang dalawa para sa imbestigasyon bago lumapit sa pulisya ang isang babaeng nagrereklamo laban sa dalawa ng pamimili ng boto. Ayon sa nagrereklamo, nakita niya raw ang sako-sakong bigas na umano'y ipinamimigay ng dalawa. Ayuda or vote-buying? Comelec can use 'totality' rule Inaresto ang dalawa sa kasong paglabag ng IATF guidelines at Omnibus Election Code. – Ulat ni Jeff Caparas, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news, Caloocan Read More: Caloocan City bigas campaign period Omnibus Election Code