Barangay at SK elections, kasado na - DILG

ABS-CBN News

Posted at Apr 08 2018 05:46 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

"All systems go" na para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo 14, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño ngayong Linggo. 

Nakahanda na aniya ang election paraphernalia na gagamitin sa kabuuang 42,036 barangay sa bansa. 

Nakapagdaos na rin ang DILG, pulisya at Commission on Elections (Comelec) ng conference para matiyak ang malinis at maayos na eleksyon. 

"Handang-handa na po tayo," ani Diño sa panayam ng DZMM. 

Gayunman, sinabi ng opisya na posibleng ipagpaliban ang halalan sa mga lugar na tutukuyin ng Comelec bilang election hot spots. 

Pinayuhan ni Diño ang publiko na suriing mabuti ang mga kakandidato at tiyaking walang kinalaman ang mga ito sa ilegal na droga.

Binalaan din naman niya ang mga incumbent barangay official na sangkot sa bawal na gamot na tinitiktikan na ang mga ito, batay sa watch list ng DILG. 

DZMM, 8 Abril 2018 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.