Home > News Lalaki tiklo sa umano’y kaso ng rape, kidnapping sa QC ABS-CBN News Posted at Apr 06 2022 06:50 AM | Updated as of Apr 06 2022 07:15 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA – Inaresto ang isang 35-anyos na lalaki dahil sa pagkakasangkot umano sa rape, kidnapping, at pagdadala ng mga ilegal na baril at bomba sa Quezon City nitong Martes. Ayon sa Holy Spirit Police Station 14, apat na kababaihan – kabilang ang tatlong menor de edad – ang dumulog sa himpilan nila para magsampa ng reklamo laban sa suspek. Batay sa salaysay ng isa sa mga menor de edad na biktima, ginahasa siya ng suspek noong Hunyo 6, 2021 sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City, samantalang ang tatlong iba pa ay sapilitang dinukot sa magkakaibang araw at lugar. May nagbigay umano ng impormasyon hinggil sa mga ilegal na aktibidad ng suspek katulad ng pagbebenta umano ng baril, mga insidente ng panggagahasa sa mga menor de edad, at talamak na robbery holdup sa iba’t-ibang bahagi ng Quezon City, Marikina City, Bulacan, at Cavite. Base sa mga ebidensiyang nakalap kaugnay sa pagkakakilanlan at kinaroroonan ng suspek, naaresto siya sa kahabaan ng Commonwealth Ave. sa Barangay Holy Spirit. Indonesia school chief sentenced to death for raping 12 students Narekober mula sa suspek ang isang magnum caliber .22 Black Widow revolver, isang MK2 handheld grenade, apat na bala, at isang motorsiklo. Nahaharap ang suspek sa patong-patong na kaso. – Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news, Quezon City, crime Read More: Quezon City rape kidnapping Pasong Tamo