Sapul sa CCTV: Lalaking naka-bike, nagulungan ng trak

ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2017 11:21 PM | Updated as of Oct 23 2017 05:26 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Patay ang isang lalaki na nagbibisikleta matapos mabangga at magulungan ng isang 10-wheeler truck sa Mandaue City. Nakunan pa ng CCTV ang pangyayari. Naipit sa ilalim ng mga malalaking gulong ng trak ang katawan ng biktima, kaya kinailangan pang gumamit ng fork lift para mahugot ang kanyang katawan. Hindi na bumaba mula sa trak ang drayber sa takot na mabugbog ng taumbayan. Nagpa-Patrol, Jude Torres. TV Patrol, Miyerkules, 6 April 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.