PatrolPH

Paring natagpuang nakagapos, hindi pa nakakausap ng mga pulis

ABS-CBN News

Posted at Apr 05 2022 09:04 AM | Updated as of Apr 05 2022 09:12 AM

Watch more on iWantTFC

MANILA – Patuloy na iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang kaso ng pagkawala ng isang pari sa Cavite nitong Sabado, ayon sa tagapagsalita nito.

Natagpuang nakagapos sa isang sasakyan nitong Linggo ang nasabing pari, pero ayon kay PCol. Jean Fajardo, hindi pa nila ito nakakausap hanggang sa ngayon dahil humiling ng privacy ang pamilya nito.

“Nag-aantay pa rin tayo ng clearance ng pamilya para makausap po natin si Father dahil nakiusap po ang pamilya ng konting panahon para makapagpahinga and they requested privacy,” ani Fajardo.

“And according to them po, ay inaantay po nila na sila ay payagan po ng diocese kung saan po kaanib si Father para po mabigyan po sila, ang ating kapulisan ng pagkakataon na ma-interview po si Father,” paliwanag niya.

Ayon sa opisyal, hindi pa malinaw sa kanila ng motibo ng mga nanakit sa pari. Wala rin aniyang nawawala sa mga gamit ng pari ng matagpuan ito ng mga pulis.

Pero aniya, patuloy na sinisilip ng mga pulis ang mga CCTV na nakasunod sa galaw ng pari bago ito mawala.

“Yung ating kapulisan sa Rosario ay patuloy na nagba-backtrack ng mga CCTV, dahil nga po nung maireport sa kanila yoo nung April 2, nagsimula na po silang magbacktrack at may mga nakikita na po silang detalye sa ibang mga CCTV,” aniya. 

--TeleRadyo, 5 April 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.